Talaan ng Nilalaman
Ang Olympics ang pinakasikat na internasyonal na kompetisyon ng iba’t-ibang sports sa buong munda na nilalaruan ng libu-libong atletang makakapasok dito. Ang Olympics ay tinuturing na pinakamahalagang kompetisyon ng sports sa buong mundo na may higit na 200 teams. Ito ang nangyayari tuwing summer at winter. Ang Olympics ay nangyayari tuwing apat na taon simula noong 1994. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng BetSo88 para sa higit pang impormasyon.
Maraming sports ang nilalaro sa Olympics pero sa artikulo na ito ay magfofocus lamang sa basketball. Ang basketball sa Olympics ay nagsimulang gawin bilang medal sports noong 1936. Ang basketball naman para sa mga babae ay nagsimula noong 1976. Ang FIBA ang nag-oorganize ng mga torneo ng basketball sa Olympics. Noong 2017 naman ay ipinakilala na sa Olympics ang 3×3 basketball tournament at naging opisyal noong 2020 Olympics sa Tokyo, Japan.
Ang Pinagmulan ng Basketball sa Olympics
Ang basketball ay inimbento ni James Naismith sa Springfield, Massachusetts, noong 1891. Sa loob lamang ng ilang taon ay naging sikat na sports na ang basketball sa buong Amerika bilang indoor sports. Dahil sa kasikatan ng basketball, itinatag ang International Basketball Federation o FIBA noong 1932. 21 na teams agad ang sumali sa unang Olympic basketball tournament.
Ang unang Olympic basketball tournament ay ginanap sa Berlin noong 1936 sa mga outdoor tennis court. Si Dr. Naismith mismo ang nagbigay ng medalya para sa mga nagtapos sa top 3 sa Olympics. Pinatunayan ng Amerika ang kanilang husay sa basketball dahil sila ang nagkampeon sa unang pitong Olympic tournament. Noong una ay bawal magpadala ang Amerika ng mga manlalarong naglalaro sa NBA o National Basketball Association pero nagdomina pa din sila sa Olympics. Puro mga college players lamang ang pinalalaro nila sa Olympics.
Mga Naging Lugar ng Olympics
Unang ginanap ang Olympics sa Berlin noon 1936 sinundan naman ito ng London noong 1948 at naulit noong 2012. Ang Australia naman ay tatlong beses ng nakapaghost ng Olympics, 1956, 2000 at kabilang na ang 2032. Maging ang USA at tatlong beses ng naghost ng Olympics, sa Los Angeles noong 1948 sa Atlanta noong 1996 at mauulit sa Los Angeles sa 2028. Sa Asia naman, dalawang beses ng nakapaghost ang Japan, 1964 at 2020, tig-isa naman ang China (2008) at Korea (1988). Ang iba pang mga nakapaghost ng Olympics ay ang Rome, Mexico, Germany, Spain at Greece.
Ang lahat ng gustong mag-host ng Olympics ay dapat mapakita ang pagiging sustainable at legacy nila sa kanilang proposal para sa mga laro, tandan, hindi lamang basketball ang laro sa Olympics. Ang bawat proyekto ay dapat magtugma sa mga layunin ng Olympic Movement na nakasulat sa Olympic Agenda 2020 at Olympic Agenda 2020+5 at sa mga pangmatagalang plano sa pag-unlad ng host.
Mga Medalya ng Basketball sa Olympics
Ang Amerika ang pinakamahusay na bansa pagdating sa Olympic basketball. Pitong sunod silang naging kampeon mula 1936 hanggang 1968. Sa ngayon mayroong 16 gold medals ang Amerika sa Olympic basketball. Nakuha naman ng Soviet Union ang gold medal noong 1972 matapos taunin ang Amerika. Noong 1980 naman ay wala sa top 3 ang Amerika, nakuha ng Yugoslavia ang gold medal at sa Italy naman ang silver medal. Sa ngayon, wala ng Yugoslavia dahil pinaghiwa-hiwalay na sila. Sila ngayon ang Serbia, Montenegro, Croatia at Slovenia. Noong 1988 naman ay nabawi ng Soviet Union ang gold medal. Nakalaban nila ang Yugoslavia sa gold medal match. Ang USA naman ang nakakuha ng bronze medal sa taong iyon. Ang huling taon na hindi nakuha ng USA ang gold medal ay noong 2004. Argentina ang nanalo ng gold medal sa taong iyon kalaban ang Italy. Bronze medal ulit ang USA sa taong iyon. Wala na din ang Soviet Union ngayon, sila ay nahati na din at ang mga kilalang bansa dito ay ang Lithuania, Georgia, Latvia, Estonia at Ukraine.
Ang 2024 Paris Olympics
Sa ngayon, inaabangan natin ang 2024 Olympics na gaganapin sa Paris sa July 26 hanggang August 11, 2024. Hindi pa tapos ang pagkuha ng mga teams dito dahil maglalaban laban pa ang ibang teams sa July para Olympic Qualifying Tournament. Ito ang mga teams na bigong makapasok sa Olympics at bibigyan sila ng huling pagkakataon. Kabilang dito ang Pilipinas, kasama nila ang Egypt, Puerto Rico, New Zealand, Latvia, Lithuania, Slovenia, Italy, Spain, Montenegro, Brazil, Dominican Republic, Georgia, Greece, Finland, Lebanon, Mexico, Angola at Ivory Coast. Sa 16 teams na ito, apat lamang ang pipiliin upang mapabilang sa Olympics.
Ang mga teams na pasok na sa Olympics ay ang host country na France at ang pitong bansa na nagpakitang gilas sa FIBA World Cup na ginanap sa Pilipinas, Japan at Indonesia. Ang pitong bans ana ito ay ang USA, South Sudan, Japan, Canada, Germany, Serbia at Australia. Kung uulitin mong basahin ang mga bansang nakapasok na at ang mga bansang nasa Olympic Qualifying Tournament ay talaga naming nakakaexcite ang nalalapit ng 2024 Olympics.
Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Winfordbet, 747LIVE, 7BET at Lucky Cola. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.
Mga Madalas Itanong
Ang sistema ng qualification sa Olympic basketball ay nagbabago depende sa panahon. Karaniwang ang mga teams ay nagkakaroon ng karapatan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang performance sa mga pandaigdigang kumpetisyon, tulad ng FIBA Basketball World Cup, at iba pang mga kumpetisyon na may kinalaman sa basketball.
Karaniwang ang mga koponan ay nahahati sa mga grupo, kung saan sila ay lalaban laban sa bawat isa sa kanilang grupo. Pagkatapos, ang mga nagwagi ay papasok sa knockout round, kung saan ang pagkapanalo ay papalapit sa ginto.