Alamin ang Lakas at Kahinaan ng mga Kalaban Gamit ang Poker Tells

Talaan ng Nilalaman

Isa sa mga pinakamahalagang aspeto ng poker ay ang kakayahang magbasa ng mga kalaban. Ang pag-aaral sa poker tells ay nagbibigay ng malaking kalamangan. Ang mga poker tells ay pwedeng magbigay ng impormasyon kung ang isang manlalaro ay may malakas o mahina na kamay na nagbibigay-daan na gumawa ng tamang desisyon. Ang poker tells ay mga hindi sinasadyang paggalaw, expression ng mukha o mga pisikal na reaksyon ng isang manlalaro na nagsasabi ng kanilang nararamdaman o iniisip sa oras ng laro. Pwede itong magbigay ng hint kung ang isang manlalaro ay nagtatangkang mag-bluff, may kumpiyansa sa kanilang kamay o kinakabahan dahil sa mahinang kamay. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng BetSo88 para sa higit pang impormasyon.

Mga Senyales ng Lakas

Kapag ang manlalaro ay may malakas na kamay ay pwede nilang hindi sinasadyang magpakita ng ilang kilos o expression na nagsasabi ng kanilang lakas. Kung ang isang manlalaro na madaldal na biglang tumahimik ay pwedeng senyales ito na nakakuha sila ng malakas na kamay at nagiging mas seryoso. Madalas na ayaw nilang magbigay ng kahit ano sa pamamagitan ng pag-uusap kaya pipiliin nilang maging tahimik. Kapag ang manlalaro ay madalas tumitig sa iyong stack ng chips ay pwedeng pinag-aaralan nila kung gaano karami ang kaya mong itaya o kung gaano kalaki ang pwede nilang makuha. Ang ganitong kilos ay pwedeng senyales na sila ay may tiwala sa kanilang kamay at naghahanda sa isang malaking taya. Ang biglaang pagiging agresibo sa pagtaya tulad ng pagtataas ng pusta ng malaki o madalas na pagtaya ng malakas ay madalas na senyales ng kumpiyansa. Ang mga manlalarong may malakas na kamay ay madalas na susubukang palakihin ang pot para makuha ang mas malaking premyo. Ang mga manlalarong may napakalakas na kamay ay minsan nagpapakita ng sobrang relaxed na pag-uugali. Pwedeng sila ay magmumukhang kampante o napapangiti dahil alam nilang malaki ang kanilang pagkakataon na manalo. Ang ganitong kalmado ay pwedeng isang tell ng lakas.

Mga Senyales ng Kahinaan

Ang pag-alam sa mga senyales ng kahinaan ay kasinghalaga ng pagkilala sa mga senyales ng lakas. Kapag ang manlalaro ay nagsimulang huminga ng mabilis o malalim ay pwedeng ito ay dahil sa kaba hatid ng kanilang mahinang kamay. Ang mabilis na paghinga ay senyales ng pag-aalala lalo na kung kasunod ito ng malaking taya mula sa ibang manlalaro. Ang mga manlalarong nagpapakita ng sobrang kumpiyansa tulad ng biglaang pagsasalita ng malakas o pagbibigay ng komento tulad ng “siguradong panalo ako dito,” ay madalas na nagtatangkang pagtakpan ang kanilang kahinaan. Ang labis na kumpiyansa ay kadalasang isang bluff para matakot ang iba. Kapag ang manlalaro ay madalas silipin ang kanilang baraha pagkatapos ng flop o bawat round, ito ay pwedeng senyales na kinakabahan sila at hindi sigurado kung malakas ba ang kanilang kamay. Ang ganitong kilos ay nagpapakita ng pag-aalinlangan. Ang mga manlalarong biglang iiwas ng tingin o nagmumukhang abala sa ibang bagay habang ginagawa ang kanilang aksyon ay madalas na may mahinang kamay. Pwedeng sinasadya nilang umiwas sa anumang “eye contact” para hindi mabasa ang kanilang kahinaan.

Gamitin ang Poker Tells sa Iyong Diskarte

Ang poker tells ay hindi saktong base sa science pero kapag sinama sa tamang sitwasyon ay pwede itong magbigay ng malaking benepisyo. Ang poker ay isang laro ng pagmamasid. Hindi lang ang mga baraha ang iyong dapat tingnan. Bantayan din ang mga kilos, reaksyon at expression ng mga kalaban. Minsan, ang pinakamaikling paggalaw ay pwedeng magbigay ng pinakamalaking impormasyon. Huwag agad-agad umasa sa isang tell. Subaybayan ang kilos ng kalaban sa iba’t ibang kamay para malaman kung paulit-ulit ba ang kanilang reaksyon sa malalakas o mahihinang baraha. Ang pagkilala sa pattern ay mahalaga para hindi ka mapanlinlang ng maling tell. Habang nagbabantay ka ng tell mula sa ibang manlalaro ay siguraduhin ding hindi ka nagbibigay ng sarili mong tell. Mag-practice ng pagkakaroon ng “poker face” at huwag masyadong hayaang magpakita ng reaksyon sa iyong baraha. Ang mga poker tells ay pwedeng magbigay ng mahalagang impormasyon, hindi mo dapat ito gawing basehan ng iyong mga desisyon. Gamitin ang tells kasabay ng magandang poker strategy tulad ng pot odds at posisyon para manalo sa poker

Konklusyon

Ang poker tells ay mahalaga sa poker lalo na sa mga live poker settings na kung saan ang bawat galaw ay pwedeng magbigay ng impormasyon sa iyong kalaban. Ang kakayahang magbasa ng mga tell ay magbibigay sa iyo ng kalamangan pero kailangan din ng karanasan at disiplina para magamit ito ng tama. Ang poker ay isang laro ng balanseng kasanayan at psychology. Ang pag-aaral sa mga tell ay magbibigay-daan sa iyo na gumawa ng mas magandang desisyon at madalas na malagay ka sa tamang posisyon para manalo.

Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng LuckyHorse, 7BET, Winfordbet at Lucky Cola. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na siguradong magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website para makapagsign-up at magsimulang maglaro.

Mga Madalas Itanong

Oo, ang mga verbal tells ay mga pahiwatig na makikita sa paraan ng pagsasalita ng isang manlalaro.

Ang reverse tells ay kapag sinadya ng manlalaro na magbigay ng maling impormasyon sa kanilang kalaban sa pamamagitan ng pagpapakita ng tell.

Karagdagang artikulo tungkol sa poker

You cannot copy content of this page