Ang kakaibang Style of Play ng EuroLeague Basketball

Talaan ng Nilalaman

Ang Turkish Airlines EuroLeague ay mas kilala bilang EuroLeague dahil ang Turkish Airlines ay ang kanilang pangunahing sponsor. Ito ang professional basketball league sa Europe. Ito ay binubuo ng 18 teams at ito ay ginagawa sa isang semi-closed league. Ito ay unang inorganize ng FIBA noong 1958. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng BetSo88 para sa higit pang impormasyon.

Isa ang EuroLeague sa pinakapopular na indoor sports sa buong mundo na may average attendance na 8,960 noong nakaraang season, 2022-2023. Ang EuroLeague ang pang-lima sa pinakamataas ng anumang professional indoor sports league sa buong mundo, sumunod sa National Basketball Association o NBA. 22 teams na ang nagkakampeon sa EuroLeague at 14 sa mga ito ay nakakuha ng higit pa sa isang beses. Ang pinakamarami dito ay ang Real Madrid na may 11 championships kabilang ang pinakabago noong 2023.

Ang Kasaysayan ng EuroLeague Basketball

Ang unang pangalan ng EuroLeague Basketball ay FIBA European Champions Cup na itinatag ng FIBA noong 1958 at nag-operate hanggang 2000. Ang EuroLeague Basketball ay nagsimula matapos ang FIBA European Champions Cup noong 1999-2000 season. Madami ang naging pangalan ng EuroLeague Basketball, noong 1996 tinawag din itong FIBA EuroLague. Ang isa pang naging pangalan nito ay FIBA SuproLeague.

Noong 2000-2001 season ay nagkaroon ng dalawang European professional club basketball competitions, ang FIBA SuproLeague at ang EuroLeague kaya naman ang mga nangunguna at mga sikat na teams ay nahati sa dalawang liga. Noong 2001 dalawang teams ang naging continental champions sa Europe, ang Maccabi ng FIBA SuproLeague at Kinder Bologna ng EuroLeague.

Naisip ng parehong organisyon na kailangan magkaroon ng isang kompetisyon lamang at nagkasundo ang FIBA at EuroLeague Basketball sa magkaroon ng iisang liga lamang sa Europe. Ang mga European teams ay maglalaro na sa EuroLeague Basketball at ang FIBA ay magfofocus na lamang sa mga international competition katulad ng FIBA EuroBasket, FIBA World Cup at Summer Olympics.

Competition Format ng EuroLeague Basketball

Noong 2016-2017 season, ang EuroLeague ay mayroong 18 teams. Dalawang beses maglalaban ang bawat teams, isang home game at isang road game at may double round robin, kaya mayroong 34 games ang bawat teams sa regular season. Ang top 8 teams sa pagtatapos ng regular season ang tutungo sa playoffs. Ang lahat ng playoff series ay best-of-5, ang mataas na seed ay makakakuha ng homecourt advantage.

Ang Atmosphere sa mga EuroLeague Games

Base sa karamihan ng mga basketball fans, mas nagugustuhan nila ang EuroLeague Basketball style of play kaysa sa NBA o iba pang liga sa buong mundo. Karamihan sa mga fans ng NBA ay manonood na lamang kapag playoffs na pero sa EuroLeague Basketball ay kahit regular season palang ay punong puno na ang arena. Kaya naman kapag nakapanood ka ng EuroLeague Basketball ay magugulat ka sa pagkapassionate ng mga fans sa loob ng arena

Nagustuhan ito ng mga fans dahil sa kakaibang laro sa EuroLeague Basketball na ginagamitan talaga ng utak at husay, madaming ball movement na talaga naming malilito ang kalaban kung sino ang iiscore. Napakahusay din ng mga manlalalaro dito sa outside shooting kaya ang mga depensahan ay mahihigpit din. ng pangunahing dahilan kung bakit mas masaya panoorin ang laro ng EuroLeague Basketball ay dahil as mataas ang estratehiya at basketball IQ ng mga ito. Mas mataas ang pressure ng laro. Bawat ball possession ay mahalaga at dito mapapatunayan na ang basketball ay isang team sports.

Patuloy ang pag-angat ng EuroLeague Basketball

Sa ika-24th season ng EuroLeage Basketball nakikita ang paglago nito sa lahat ng aspeto katulad ng mas maraming fans ang nanonood ngayon at tumataas ang kalidad ng mga laro. Dahil sa tulong ng social media ngayon ay mas marami na ang nakakanood ng EuroLeague Basketball hindi katulad dati na piling TV Stations lang sa Europe natetelecast ang mga laro. Maaari ka na din makanood ng mga highlight plays sa tiktok o youtube kaya naman mas nakikilala ang European style of play sa basketball. Lumawak din ang engagement ng liga sa mga fans dahil hindi na lang Europeans ang nakakanood, maging ang ibang mga lahi sa buong mundo ay naaabot na ng EuroLeague Basketball.

Ang kabuuang paglago na ito ay kasama sa mga live TV ay nangyari noong nakaraang season, dahil mayroong 23% ang nadagdag sa mga manonood ng EuroLeague. Mayroong 4.46 bilyong mga tao na tumutok upang manood ng mga laro at nilalaman ng EuroLeague sa TV o sa pamamagitan ng digital na mga plataporma noong 2022-2023 season, habang ang TV audience sa kabuuan, sa live, delayed at repeat, at news at highlights TV coverage ay umabot sa 1.15 bilyon.

Konklusyon

Ang kakaibang style of basketball ng European teams ay napasikat ng EuroLeague kaya naman karamihan sa mga coaches sa iba’t-ibang mundo ay gusto gayahin ang laro dito. Tignan na lang natin ang nagdaang 2023 FIBA World Cup, Germany ang nagkampeon na isang European team at ang naging 2nd place naman ay ang Serbia na isa din European team. Ituloy natin ang naging rankings, ang naging 5th to 9th sa rankings ay nagmula sa Europe, Latvia, Lithuania, Slovenia, Italy at Spain. Sa top 10 teams noong nagdaang 2023 FIBA World Cup, pito dito ay European teams. Kaya naman masasabi natin na maganda talaga ang basketball programs ng mga bansa sa Europe at kung maaadopt natin ito mas magiging exciting ang mga laro sa international competitions.

Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Rich9, JB Casino, 7BET at Lucky Cola. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.

Mga Madalas Itanong

Ang mga laro ng EuroLeague ay maaaring mapanood sa telebisyon, online streaming platforms, o sa mga live na pagtatanghal sa mga bansa kung saan ginanap ang mga laro.

Ang EuroLeague ay itinuturing na isa sa pinakamataas na antas ng kompetisyon sa basketball sa Europa. Ito ay may mataas na kalidad ng laro at kinikilala sa buong mundo para sa kanyang kahusayan at kagitingan.

You cannot copy content of this page